Uso ang “move-on” kahit hindi naman naging kayo.
Sobrang nahihiya na kasi ako sa friends ko mag share ng problems ko na paulit-ulit naman.. So dito na lang. Exposed man, IDC.
Nakakatanga. Yung napaka sweet na niya sa’yo.. Yung halos lahat ng friends mo sinasabi, “Ano ba? Obvious naman na MU kayo noh.” Pero ‘di mo talaga ma-claim kasi wala naman siyang sinasabi sa’yo. Gustong gusto mo alamin pero wala. Tahimik lang siya.
Suddenly, he’ll leave you clueless. Hindi na lang mamamansin bigla? Anong nangyari? Anong ginawa ko? WALA AKONG IDEA. Sana pinaalam mo sa’kin. Wala naman akong special powers para mabasa iniisip mo. Ang hirap din maniwala sa friends mo kasi gusto ko IKAW mismo mag sabi.
Ang sakit lang. Yung tinatry mo ibalik kahit yung friendship niyo kasi nag fflash back sa’yo lahat ng happy memories. Kahit sana yung friendship na lang yung i-save. At least kahit hindi ka sa’kin, friend naman kita.
Pinakamasakit? Yung malaman mong may iba siyang gusto. May MGA iba siyang gusto at mag ddecide siya kung sino liligawan niya sa June. UGH. WTH? Kasama ba ‘ko dun? If oo, ANO YUN?! Option mo lang ako?! WHY?! :’( Oo, sabi ko friends na lang pero hindi ko naman maiiwasan na hindi masaktan, ‘di ba? Alam ko ‘di dapat kita sinisisi pero sana… BIGYAN MO NA NG CLOSURE YUNG “SA’TIN” kasi alam mo naman na iniwan mo ‘ko sa ere. :’( Wala akong alam sa nangyari at nangyayari sa’yo. WHY SUDDEN CHANGE? Ano na ba?
Pa’no kung wala akong inamin sa kahit na sino na gusto kita? Pa’no kung tumahimik na lang ako? Pa’no kung hindi ko na lang pinansin feelings ko for you? Sweet ka pa rin kaya sa’kin? Nakukulit pa rin kaya kita? OMG. I HATE WHAT IFS!!!!!!!! :’(
I’M STILL HOPING NA MATAPOS NA. MAKA MOVE ON NA SANA AKO KUNG WALA NAMAN TALAGANG MANGYAYARI SA’TIN. SANA MABALIK KO YUNG DATI. SANA….. IKAW NA LANG YUNG PARA SA’KIN! :’(
I’m sorry it’s so madrama. LAST KO NA ‘TO. :) I’M ON MY WAY TO BRIGHTER DAYS!♥









